Pages

Monday, September 12, 2011

THINGS TO REMEMBER WHEN APPLYING FOR A JOB

  • Company name- kung di mo alam ang pangalan.. hindi mo malalaman ang lugar
  • Company address- kung di mo alam ang lugar.. magpapaikot ikot ka sa lugar ng tatlong oras at hindi mo pa rin matunton kung nasan yung hinahanap mo.
  • Company requirements- baka may iba pang kailangan bago ka makapag-apply. alamin muna lahat ng detalye bago magpunta. masama ang sumugod sa gyera nang walang sandata.
  • NEVER ask a security guard kung di mo alam yung lugar na aapplyan mo. dahil most of the time hindi rin nila alam ang sagot sa tanong mo.
  • Gumising ng maaga para hindi ka abutin ng deadline ng pagtanggap ng aplikante.
  • Be fit. kelangan ng malusog na pangangatawan para sa mahaba-habang lakaran.
  • Kung may magbabacker/rerefer sayo. wag mong tanggihan. dahil minsan yun ang tanging paraan para ika'y makapag-apply.
  • Kung san may umpukan, dun may applyan.
  • Magtanong sa mga nakikitang palakad lakad sa daan. dahil mas alam nila kung nasan ang hinahanap mo kesa sa mga sekyu na unang pinagtanungan mo.
  • Magsama ng kaibigan. Para hindi ka magmukang tanga kakalakad at paikut-ikot.
  • Siguraduhing may load ang cellphone. Para makapagtanong at makahingi agad ng tulong.
  • Magdala ng suklay, pulbo at pabango. Mahiya ka naman sa sarili mo kung mag-aaply ka hindi ka na mukang tao.
  • Wag magsuot ng high-heeled shoes para sa mga babae. Maaga sasakit ang paa mo sa paglalakad.
  • Magbaon ng tubig at light snack para hindi ka gutumin lalo na kung hindi ka pa nakakapag-almusal.
  • Mas mabuting sumakay ng jeep/tricycle at mamasahe kesa maglakad ng hindi mo alam ang pupuntahan mo. Nakakapagod.
  • Wag magmarunong. Imbes na mapabilis ka eh lalo ka lang maligaw.
Higit sa lahat..
  • Wag tatanga-tanga. Maraming mangyayaring masama pag ganyan ka.
Tandaan lagi ang mga ito para hindi ka na ulit magsayang ng pamasahe at hindi manakit ang katawan mo sa paglalakad sa paligid ng mahigit sa tatlong oras.

Month 2

Dearest Em,
Its been two months already. Pero wala pa rin akong nagagawang paraan para makita ka. Sa totoo lang. Hindi ko na alam gagawin ko pag dumating yung time na yun. 
Natatakot ako. Baket? Hindi ko rin alam. Maraming gumugulo sa utak ko nitong nakaraan kaya hindi ko na rin muna ginusto magsulat dito. Baka kasi kung ano na naman ang masabi ko pag di ko napigilan ang sarili ko. Ayoko na masaktan ulit kita. Marami akong narealize about sa'yo, sa akin pati na rin "sa atin." Naka 2 taon tayo sa relasyon natin pero talaga bang kilala natin ang isa't isa? O nagpanggap lang tayo na alam na nga natin. Maraming beses na tayong nag-usap ng masinsinan. Mula sa mga nakaraang buhay natin, sa kasalukuyan at sa hinaharap na gusto nating buohin. Pero  napansin ko, maraming bagay na hindi natin alam tungkol sa isa't isa. Mababaw pa ang pagkakakilala nating dalawa at marahil isa yun sa dahilan kung bakit hindi naging maganda ang takbo ng relasyon naten. Bumuo tayo ng imahe sa mga sarili natin kung ano ang gusto nating maging para sa isa't isa. Pareho tayong naging selfish at pareho din tayong nagpadalus-dalos sa mga gawa natin. Sa totoo lang, hindi ako yung ideal type mo as girlfriend at ganun din naman ako sa'yo. Pero masasabi ko na kaya tayo nagkakilala ay para malaman natin kung sino nga ba talaga tayo. Most of the time nagiging immature ako lalo na pag kasama kita. Yun kasi yung side ko na carefree at willing gawin ang lahat para sa taong mahal ko. Dahil ang kabaligtaran nun ay ang seryosong ako. Hirap makipagcommunicate at mag-express ng nararamdaman. Both of us are still growing up as responsible adults. Pero pareho tayong sadyang stubborn kaya hindi tayo magtugma pagdating sa mga seryosong bagay. 
May mga dahilan din na parehong nagbubuklod at sumisira sa ten. Isa na dun ang mga family natin. Kahit na sinasabi mong okay lang sa pamilya mo na girlfriend mo ko ramdam ko na hindi nila ako lubos na tanggap mula pa nung una. Kaya siguro pinilit ka nilang mapunta sa ibang babae. At dahil takot akong makilala sila hindi ko sila binigyan ng chance kilalanin ako at di ko rin binigyan ng chance ang sarili kong makilala ka ng lubos sa hindi ko pagkilala sa kanila. Alam ko masakit din sa'yo na hindi ka tanggap ng pamilya ko. Mahihirapan ka tanggapin sila dahil marami na silang nabanggit na masasakit na salita at naiintindihan ko yun. Pero ngayon kahit na malayo ka at kahit na magulo ang sitwasyon ng mga pamilya natin.. Pamilya ang nagbuklod at naghihiwalay sa ting dalawa. Kahit na alam kong maraming kasalanan sa'yo ang pamilya mo lagi mo napapatunayan sa kin na napakahalaga nila sa'yo. Sana maintindihan mo rin na mahalaga din ang pamilya ko sa ken. Dahil sa pagpapahalagang yun lumalim ang respeto ko sayo dahil alam ko pagdating ng oras na isa na tayong pamilya.. Ipaglalaban mo rin ako. At kahit na pinaghihiwalay pa nila tayo sana wag kang sumuko. Di ko kaya lumaban ng mag-isa. Magkalayo tayo pero sana magkadikit pa rin ang puso nating dalawa.
Miss kita at Mahal pa rin kita. Susubukan kong intindihin ka pa.
Sana ganun ka din sa kin.
Love,
El

Tuesday, August 30, 2011

Forgiveness

A friend texted me something and it kinda bothers me. Not that its something to be afraid of or something scandalous but I really detest what it says. The text goes like this.

"We must not hate people who have done wrong to us.
For as soon as we begin to hate them, we become just like them..
pathetic, bitter & untrue..
Just forgive."

I'm not saying that we shan't forgive others if they do wrong to us. But its very difficult not to hate a person when they do bad things to you. Its just natural to hate others most likely if they did something that you don't like. I can't see how one can be like them if they begin to hate. How can one be pathetic if they hate for the right reasons? How can one be bitter and untrue when in FACT you are just expressing what you really feel? I have watched a TV show where a psychologist said that its better to hate when someone has done wrong and made you feel bad. Why? Because when you hate you have more chance of recovering than being depressed with what happened to you. It can motivate you to become a better and experienced person. And also, it is hard to JUST FORGIVE. It somewhat tells the wrong doer that no matter what they do they can be easily forgiven. Its like saying sorry without being sincere. Instead of learning from their mistake they will worsen because of your easy forgiving. And one thing more.. don't just forgive. Make sure they ask forgiveness first.

Saturday, August 27, 2011

Month 1 Day 15

Dearest Em,
Bumabagyo na naman. Sana okay ka lang ngayon dyan. Hindi ko alam kung ano meron dyan sa lugar na yan kaya wala akong ideya pano ka magiging maayos dyan. Pero hindi naman ako nawawalan ng tiwala kay God, alam kong babantayan ka nya kahit nasan ka pa. Ako eto okay pa naman. Yun nga lang parang magkakasakit na naman ako. Kagabi hindi ako nakatulog.. nakapikit lang ako pero gising naman yung diwa ko. Maaga pa ko gumising dahil may kelangan kami asikasuhin sa church. 4am pa lang ginising na ko (kahit di naman talaga ko tulog) para makapag-ayos na ko ng sarili. Wag ka mag-alala. Kahit na wala akong tulog hindi naman ako pinabayaan ni God ee kasi hindi naman ako inantok habang nandun kami. Nung natapos yung praktis namin may kaunting time pa kami para makapag-almusal kaya nakakaen pa kami. Swerte talaga kasi wala kaming ginastos ni papa sa pagkaen kasi nilibre kami nung isang kasama namin. Di ba ang bait Niya? :)
Matagal nga lang bago natapos ang activity namin. 11am na kami natapos at nung pag-uwi sobrang lakas ng ulan. Medyo natrapik pero nakauwi naman kami bago pa mag alas dose. Kumaen ako agad nung naluto na yung pagkaen sa bahay. Pagkatapos ko kumaen dun pa lang ako dinalaw ng antok. Nakatulog na naman ako hanggang alas sais kaya malamang hindi na naman ako makakatulog mamaya. Lumala din yung ubo ko dahil lagi na lang ako naaambunan pero uminom na ko ng gamot kanina lang. Sana ikaw di ka magkasakit dyan. Kasi hindi pa kita maalagaan eh. Ingatan mo sana lagi sarili mo.
Mahal na mahal kita.
Love,
El

Friday, August 26, 2011

Month 1 Day 14

Dearest Em,
Hello diii.. ang tagal na naman uli bago ako nakasulat dito. Alam ko minsan sinasadya ko na rin. Sorry talaga. Ayoko na nagsosorry ka lagi saken pero ganun din naman ako sa'yo. Ayoko lang maiyak habang nagtatype ako dito sa computer shop.. andyahe ee. Pero hindi naman ibig sabihin eh hindi na kita namimiss. Kasi... imposible yun. Hindi pwedeng hindi kita mamimiss. Ineenjoy ko na lang sarili ko sa pagbabasa ng libro sa bahay o kaya naman nagbabasa ako ng manga online. Pero pinakaineenjoy ko ngayon ay paglalaro ng Sims Social sa facebook. Sigurado ko pag nalaro mo to mag-eenjoy ka din. Sorry pala kasi napabayaan ko na yung cityville natin. Sa sobrang dami kasi ng hinihingi sa mga quest tinamad na ako laruin yun. Tsaka sa Sims ang status ng sims nating dalawa is dating na. Patataasin ko pa yung status nito para maging soul mates na. Yun ata yung pinakamataas na level ng romantic relationship eh.
Sana lang pati ung relationship natin irl tumataas. Kahit na ganito yung pinagdadaanan natin ngayon sana huwag mabawasan yung pagmamahal mo para sa kin. Dahil kahit anong mangyare hindi mababawasan ang love ko para sa'yo.
Mahal na mahal kita dadiii ko. Ikaw lang at walang iba.
Mapa-games or irl pa. :)
Love,
El

Saturday, August 20, 2011

Nakakalalake/Nakakababae ba?



I just watched one of the official music vid of Pangarap lang kita by PNE (Parokya ni Edgar). The song is good specially its meaning. Kaso may napansin ako sa baba dun sa may top comments. One of the most liked comment is saying something like this...

"Like this. kung cnu ang ayaw sa babaeng syota ang tibo . ."

I know this is a personal opinion pero dahil nga dun kaya napaisip ako. Baket ba galit ang lalaki pag nagkakaron ng karelasyon na lesbian ang babae?? Nakakalalake ba na nahigitan kayo ng isang tibo sa babaeng gusto niyo?

Same din naman pag sa babae. Pag bakla yung karelasyon ng guy hindi na agad katanggap tanggap. At ang laging nasa isip eh pineperahan lang naman ng guy yung bakla.

I don't wanna be biased that's why I'm asking.

Same sex relationships are not fully accepted by the society specially within religious groups. And most people judge those characters kahit na hindi nila alam ang pagkatao ng hinusgahan nila.

I have friends from what most people called the "third sex".. bakla, tomboy, and even bisexuals. And even before knowing them I didn't judge them dahil lang sa sexual orientation nila. I tried to understand them and know their personality that's why we ended up as friends. I'm not saying na lahat ng nasa "third sex" ay mabuti pero hindi rin naman lahat ay masama. Tulad ng normal na straight ang sexual orientation.. We are individuals who have different personalities, beliefs, and opinion. naiba nga lang sila ng tingin sa sarili nila dahil ang gusto nila ay kapareho ng kasarian nila. Dahil lang wala sa NORM ang gusto o hanap nila sa isang partner madalas malabel sila as masama.

At isa pa sa gusto kong ipoint out dito.. baket sila ung nasisisi kung nagkaron man sila ng relasyon sa kapwa nila? Hindi naman magkakaron ng relasyon kung isang tao lang ang kasali di ba? Anu yun sariling sikap? So ibig sabihin there is consent from the other person. And gusto or tanggap ng karelasyon nila yung kanilang sexual orientation despite the fact na maraming tututol. Baket mo sisisihin yung nasa third sex kung gusto rin naman pala nung straight na makipagrelasyon.

So ano? Nakakababae/Nakakalalake ba kaya kayo nagagalit?
share with me what you think baka sakaling maliwanagan ang utak kong nadidimlan :)


Month 1 Day 8

Dearest Em,
Pasensya po matagal na naman akong hindi sumulat dito. Wag mo isipin na ayoko na magkwento sa'yo o ayaw na kitang kausap. Medyo nahihirapan pa rin ako eh. Pag nagsusulat ako dito.. hindi ko mapigilan ang sarili ko umiyak. Habang binabasa mo siguro to sinasabi mo.. Napakaiyakin mo talaga. Pero imbes na magtampo sigurado matutuwa ako nun. Dahil pag nabasa mo na to ibig sabihin kasama na kita ulit. At hinding hindi ko na hahayaang magkalayo pa tayo. Parang mahirap nga gawin yun. Lalo na sa duwag na kagaya ko. Pero para sa'yo kakayanin ko na yun. Hindi sa pabigla-biglang paraan, hindi sa madaliang pagdidesisyon.. pagpaplanuhan ko na to'. Sa totoo lang may mga naiisip na ko pero hindi ko na sasabihin dito. Gusto ko i-secret eh. :P
Basta po gusto ko magtiwala ka at maniwala ka sa akin. Lalo na sa pag-ibig natin. Lalim ba? Ikaw din ganyan ka eh kaya wag mo ko asarin. Ikaw ang original na keso. Kaya nga love kita eh. :)
Mahal kita KESO ko. Mahal na Mahal!!!
Love,
El