Hi mahal ko.. Kailan kaya kita makikita ulet? kailan kita makakasama? kailan kita maaakap? :(
Gusto kong isipin na lagi kitang kasama, kausap at kaakap, masarap isipin pero makirot sa puso. Gusto ko baguhin ang takbo ng buhay ko. Para sa ganun, makasama na ulit kita. Namimiss ko na yung panggigising mo sa 'ken sa umaga pag magtatanghali na pero tulog pa ko. Pati na rin pag pinapagalitan mo ko dahil sobrang tagal ko kumaen. Pero higit sa lahat namimiss ko yung kausap kita.. na kahit wala tayong kwentong pinag-uusapan at puro Iloveyou lang ang laman ng text naten. Isa pa, showing na yung movie na gusto natin panuorin. Sabi mo manonood tayong dalawa ng Harry Potter. Mga ilang buwan pa bago yun ipalabas nagpromise ka ng manonood tayo. Pero naiintindihan ko naman kung bakit eh. Aantayin ko yung araw na makakasama kita mapanuod yun. kahet na sa dvd na lang. Mas importante sa ken na kasama kita mapanood yun dahil kung ako lang o kahet ibang tao kasama ko.. alam ko di magiging kumpleto ang kasiyahan ko kasi wala ka.
Sana inaalagaan mo sarili mo dyan. Mag-iipon ako ng maraming movie dvd's at panonoorin natin yun pag magkasama na tayo.
Mahal na mahal kita. Ikaw lang.
Love,El
No comments:
Post a Comment