Pages

Tuesday, August 30, 2011

Forgiveness

A friend texted me something and it kinda bothers me. Not that its something to be afraid of or something scandalous but I really detest what it says. The text goes like this.

"We must not hate people who have done wrong to us.
For as soon as we begin to hate them, we become just like them..
pathetic, bitter & untrue..
Just forgive."

I'm not saying that we shan't forgive others if they do wrong to us. But its very difficult not to hate a person when they do bad things to you. Its just natural to hate others most likely if they did something that you don't like. I can't see how one can be like them if they begin to hate. How can one be pathetic if they hate for the right reasons? How can one be bitter and untrue when in FACT you are just expressing what you really feel? I have watched a TV show where a psychologist said that its better to hate when someone has done wrong and made you feel bad. Why? Because when you hate you have more chance of recovering than being depressed with what happened to you. It can motivate you to become a better and experienced person. And also, it is hard to JUST FORGIVE. It somewhat tells the wrong doer that no matter what they do they can be easily forgiven. Its like saying sorry without being sincere. Instead of learning from their mistake they will worsen because of your easy forgiving. And one thing more.. don't just forgive. Make sure they ask forgiveness first.

Saturday, August 27, 2011

Month 1 Day 15

Dearest Em,
Bumabagyo na naman. Sana okay ka lang ngayon dyan. Hindi ko alam kung ano meron dyan sa lugar na yan kaya wala akong ideya pano ka magiging maayos dyan. Pero hindi naman ako nawawalan ng tiwala kay God, alam kong babantayan ka nya kahit nasan ka pa. Ako eto okay pa naman. Yun nga lang parang magkakasakit na naman ako. Kagabi hindi ako nakatulog.. nakapikit lang ako pero gising naman yung diwa ko. Maaga pa ko gumising dahil may kelangan kami asikasuhin sa church. 4am pa lang ginising na ko (kahit di naman talaga ko tulog) para makapag-ayos na ko ng sarili. Wag ka mag-alala. Kahit na wala akong tulog hindi naman ako pinabayaan ni God ee kasi hindi naman ako inantok habang nandun kami. Nung natapos yung praktis namin may kaunting time pa kami para makapag-almusal kaya nakakaen pa kami. Swerte talaga kasi wala kaming ginastos ni papa sa pagkaen kasi nilibre kami nung isang kasama namin. Di ba ang bait Niya? :)
Matagal nga lang bago natapos ang activity namin. 11am na kami natapos at nung pag-uwi sobrang lakas ng ulan. Medyo natrapik pero nakauwi naman kami bago pa mag alas dose. Kumaen ako agad nung naluto na yung pagkaen sa bahay. Pagkatapos ko kumaen dun pa lang ako dinalaw ng antok. Nakatulog na naman ako hanggang alas sais kaya malamang hindi na naman ako makakatulog mamaya. Lumala din yung ubo ko dahil lagi na lang ako naaambunan pero uminom na ko ng gamot kanina lang. Sana ikaw di ka magkasakit dyan. Kasi hindi pa kita maalagaan eh. Ingatan mo sana lagi sarili mo.
Mahal na mahal kita.
Love,
El

Friday, August 26, 2011

Month 1 Day 14

Dearest Em,
Hello diii.. ang tagal na naman uli bago ako nakasulat dito. Alam ko minsan sinasadya ko na rin. Sorry talaga. Ayoko na nagsosorry ka lagi saken pero ganun din naman ako sa'yo. Ayoko lang maiyak habang nagtatype ako dito sa computer shop.. andyahe ee. Pero hindi naman ibig sabihin eh hindi na kita namimiss. Kasi... imposible yun. Hindi pwedeng hindi kita mamimiss. Ineenjoy ko na lang sarili ko sa pagbabasa ng libro sa bahay o kaya naman nagbabasa ako ng manga online. Pero pinakaineenjoy ko ngayon ay paglalaro ng Sims Social sa facebook. Sigurado ko pag nalaro mo to mag-eenjoy ka din. Sorry pala kasi napabayaan ko na yung cityville natin. Sa sobrang dami kasi ng hinihingi sa mga quest tinamad na ako laruin yun. Tsaka sa Sims ang status ng sims nating dalawa is dating na. Patataasin ko pa yung status nito para maging soul mates na. Yun ata yung pinakamataas na level ng romantic relationship eh.
Sana lang pati ung relationship natin irl tumataas. Kahit na ganito yung pinagdadaanan natin ngayon sana huwag mabawasan yung pagmamahal mo para sa kin. Dahil kahit anong mangyare hindi mababawasan ang love ko para sa'yo.
Mahal na mahal kita dadiii ko. Ikaw lang at walang iba.
Mapa-games or irl pa. :)
Love,
El

Saturday, August 20, 2011

Nakakalalake/Nakakababae ba?



I just watched one of the official music vid of Pangarap lang kita by PNE (Parokya ni Edgar). The song is good specially its meaning. Kaso may napansin ako sa baba dun sa may top comments. One of the most liked comment is saying something like this...

"Like this. kung cnu ang ayaw sa babaeng syota ang tibo . ."

I know this is a personal opinion pero dahil nga dun kaya napaisip ako. Baket ba galit ang lalaki pag nagkakaron ng karelasyon na lesbian ang babae?? Nakakalalake ba na nahigitan kayo ng isang tibo sa babaeng gusto niyo?

Same din naman pag sa babae. Pag bakla yung karelasyon ng guy hindi na agad katanggap tanggap. At ang laging nasa isip eh pineperahan lang naman ng guy yung bakla.

I don't wanna be biased that's why I'm asking.

Same sex relationships are not fully accepted by the society specially within religious groups. And most people judge those characters kahit na hindi nila alam ang pagkatao ng hinusgahan nila.

I have friends from what most people called the "third sex".. bakla, tomboy, and even bisexuals. And even before knowing them I didn't judge them dahil lang sa sexual orientation nila. I tried to understand them and know their personality that's why we ended up as friends. I'm not saying na lahat ng nasa "third sex" ay mabuti pero hindi rin naman lahat ay masama. Tulad ng normal na straight ang sexual orientation.. We are individuals who have different personalities, beliefs, and opinion. naiba nga lang sila ng tingin sa sarili nila dahil ang gusto nila ay kapareho ng kasarian nila. Dahil lang wala sa NORM ang gusto o hanap nila sa isang partner madalas malabel sila as masama.

At isa pa sa gusto kong ipoint out dito.. baket sila ung nasisisi kung nagkaron man sila ng relasyon sa kapwa nila? Hindi naman magkakaron ng relasyon kung isang tao lang ang kasali di ba? Anu yun sariling sikap? So ibig sabihin there is consent from the other person. And gusto or tanggap ng karelasyon nila yung kanilang sexual orientation despite the fact na maraming tututol. Baket mo sisisihin yung nasa third sex kung gusto rin naman pala nung straight na makipagrelasyon.

So ano? Nakakababae/Nakakalalake ba kaya kayo nagagalit?
share with me what you think baka sakaling maliwanagan ang utak kong nadidimlan :)


Month 1 Day 8

Dearest Em,
Pasensya po matagal na naman akong hindi sumulat dito. Wag mo isipin na ayoko na magkwento sa'yo o ayaw na kitang kausap. Medyo nahihirapan pa rin ako eh. Pag nagsusulat ako dito.. hindi ko mapigilan ang sarili ko umiyak. Habang binabasa mo siguro to sinasabi mo.. Napakaiyakin mo talaga. Pero imbes na magtampo sigurado matutuwa ako nun. Dahil pag nabasa mo na to ibig sabihin kasama na kita ulit. At hinding hindi ko na hahayaang magkalayo pa tayo. Parang mahirap nga gawin yun. Lalo na sa duwag na kagaya ko. Pero para sa'yo kakayanin ko na yun. Hindi sa pabigla-biglang paraan, hindi sa madaliang pagdidesisyon.. pagpaplanuhan ko na to'. Sa totoo lang may mga naiisip na ko pero hindi ko na sasabihin dito. Gusto ko i-secret eh. :P
Basta po gusto ko magtiwala ka at maniwala ka sa akin. Lalo na sa pag-ibig natin. Lalim ba? Ikaw din ganyan ka eh kaya wag mo ko asarin. Ikaw ang original na keso. Kaya nga love kita eh. :)
Mahal kita KESO ko. Mahal na Mahal!!!
Love,
El

Monday, August 15, 2011

Month 1 Day 3

Dearest Em,
Kamusta ka na? Okay ka lang ba ngayon? Sana naman hindi ka nahihirapan dyan. Ako eto natatakot na naman. Lumalala na naman yung sakit ko eh. Pero wala akong masabihan. Ikaw lang naman nakakakilala sa karuwagan ko. Sa'yo lang ako nakakapag-open ng mga problema at alalahanin ko. Sana nakakausap man lang kita para hindi ako nalulungkot ng ganito. Sana may telepathic ability ako para kahit nasa malayo ka pwede kita makausap. Ayos yun di ba, tipid pa sa load. Pwede kitang makausap 24/7 kahit magkalayo tayo at kahit wala tayong cellphone. Sobrang miss na talaga kita hindi lang dahil ikaw lang ang nasasabihan ko ng mga problema ko, miss kita kasi miss na talaga kita eh. :(
Nga pala.. ngayon ko lang naalala nitong nag-1 month ka ng wala sa piling ko, yun din yung petsa ng unang date nating dalawa. Nakakatuwa isipin na ang petsa na yun ay isa sa mga masasayang alala nating magkasama pero sumapit ang araw na yun ng may dalang kalungkutan dahil matagal ka ng wala.
Hayss.. tadhana nga naman. Alam ko magkikita pa tayo. Magkakasama at magkakausap muli. Hintayin mo ko ha? Alisin mo na muna yang pagkamainipin mo.
Iloveyousomuch. :*
Love,
El

Friday, August 12, 2011

Day 31

Dearest Em,
Its been a month already that we don't have any communication. Its been a month that I haven't spoken with you. Its been a month that I wasn't able to hear your voice. Its been ONE whole month that you're gone and its slowly killing me from loneliness of missing you. Its just a month but for ME it feels like a year already! My heart is aching for you everyday and night. :(
I'm longing for your warm hugs and sweet smiles to make my day. I'm missing your warmth, your calm presence that soothes my soul and takes away whatever worries and fears I'm having. I'm daydreaming every now and then just for me to see your face and to imagine that your always here beside me. I'm wishing at falling stars to grant my wish to be with you again. And I'm hoping that God answers my prayer to make our love strong despite the trial we're experiencing and that we may overcome this and be rejoined once again so we can keep our promises that we'll never leave each other come what may.
I Love You So Much. 
You & Me FOREVER.
Love,
El

Tuesday, August 9, 2011

Day 28

Dearest Em,
Sorry po ilang araw na naman ang lumipas na hindi ako nakasulat sa'yo. Dami kasing problema sa bahay eh. Pero okay naman na po ngayon kahit papaano. Medyo mabigat lang ang pakiramdam ko ngayon. Nagkacramps na naman kasi ako. :( Bloated pa pakiramdam ko. Hayst. Sana ikaw okay ka lang ngayon.
Hmmm. Kanina pala pumunta kami ng SM. Nagbayad lang kami ng para sa internet. Tas namasyal ng kaunti kasi kasama namin si Ryne. Habang palakad lakad kami dun naalala ko yung mga panahong namamasyal tayo dun. Yung panonood natin ng sine at pagkain natin ng Jollibee dun sa 3rd floor. Yung paglalaro natin sa Quantum ng basketball. Pataasan pa tayo lagi ng score at madalas kitang natatalo hahaha. Yung pagtingin natin sa mga shops ng damit o kahit anong gamit na cute. Ikaw ang pipili para sa kin at ako naman ang pipili para sa'yo. Kahit mga simpleng bagay lang yun na ginagawa naman ng mga magkarelasyon, masaya ko na ginagawa natin yun. Higit sa lahat dahil ikaw ang kasama ko sa mga oras na yun.
Gawin natin ulit sa susunod ha? Aasahan ko yun. Wag ka mag-alala treat ko naman. :)
Iloveyou!
Love,
El

Saturday, August 6, 2011

Day 25

Dearest Em,
Hi mahal! *mwuaps*
Alam mo na yun. Alin? Na miss na miss na kita. :"> Ngayon eto ako kinakausap ka. Nagkikwento sa'yo ng mga bagay bagay na nangyayari sa kin. Mga bagay na nararamdaman ko. Pero iba pa rin pag totoong kausap talaga kita. Kahit sa text lang kita nakakausap madalas noon dahil magkalayo tayo masaya na ko. Mas masaya naman kung tumatawag ka. Pero pinakamasaya sa lahat eh pag nakakausap kita ng personal. Kasama kita. Kaakap o magkahawak kamay nating pinag-uusapan ang lahat ng bagay sa mundo. Kaya ngayon sobrang nanghihinayang ako. Sana pala nilubos ko yung mga panahon na yun. Nasanay akong lagi kang nandyan para sa kin. Hindi man ako sobrang dependent sa'yo pero gaya ng gusto mo.. gusto ko rin maramdaman lagi ang presence mo. Nitong mga huling usap natin lagi ka nagrerequest sa kin na magkwento ako. Hindi ako masyado nagkwento 'coz i was hoping na magiging maayos din naman agad lahat eh. Sising sisi ako na hindi ko ginawa yun. At ngayon sobrang nalulungkot ako dahil kahit na ano pa ang gawin ko. Hindi kitaa makakasama agad kaya walang personal na communication. Hindi ka na rin tatawag at lalong wala na kong aasahang text mula sa'yo. Ang sakit pala. Na kahit gustong gusto kita makausap wala akong magawa kundi ang magtiis at maghintay. Pag nakausap na ulit kita pangako magkikwento ako ng marami sa'yo. Sana lang hindi ako umiyak ng husto para makapagkwento ako. Alam mo naman na napakaiyakin nitong baby mo eh. Ehe. Sana makapagkwentuhan ulit tayo gaya ng dati. Walang inaalala at puro saya lang. Magkahawak kamay na pagpaplanuhan ang buhay nating magkasama balang araw...
Mahal na mahal kita.
Love,
El

How many hours?

Girl: How many hours a day do you think of me?

Boy: 16 hours.

Girl: What? what about the remaining 8 hours?
.
.
.

Boy: The other 8 is when I'm dreaming of you in my sleep. :)

Dapat hanapin..

Sa PAGMAMAHAL..

Huwag mong hanapin yung KATULAD MO...
.
.
.
dapat yung KATULAD KO!  :)

Thursday, August 4, 2011

Day 23

Dearest Em,
Haayst.. Halos mag-iisang buwan na mula ng mawala ka. :( Pero hanggang ngayon hindi pa rin kita nakakalimutan. Nga pala....

HAPPY 27th monthsary!!!

Happy pa nga ba? Kahet na magkalayo tayo kaya pa ba natin maging masaya sa araw na to. Sana hindi mo  nakakalimutan 'tong araw na 'to. Sana ngayon naaalala mo pa rin ako. Ayokong mag-isip ng negative ako pa naman tong lagi nagpapaalala na masama yun at dapat laging positive ang tingin natin sa mga nangyayare sa buhay natin. I always pray for us. Kaya sure ako di tayo pababayaan ni God. :)

At gaya ng nakasulat sa pin ni Kizmo (Yung gift mo sa'ken na doggy stuff toy which was so unexpected xD)


Upper Photo:
Ung pin na nakaattach kay Kizmo
Lower Photo:
Si Kizmo :3


"YOU & ME..
ALWAYS & FOREVER."


Iloveyousososomuch!! *Mwuaaah* *Hugsssssotight*

So inLove with you,
El



Tuesday, August 2, 2011

Day 21

Dearest Em,
Diii.. T^T naiiyak ako. Gustong gusto na kita makita. Kaso sa sitwasyon ko ngayon napakahirap mangyari yun. Andami dami naming problema pero wala man lang rin ako masabihan. Namimiss ko na yung pagaalo mo sakin pag nahihirapan na ko. Kung pano natin kakayanin lahat ng dumating na problema. Kung ano yung pwede natin gawin. Marami ako narerealize ngayong wala ka. Lahat ng magagandang bagay na nagawa mo para sa kin. Sa bawat lumilipas na oras at araw lalo kitang minamahal. Hayst. Kahit papano masaya ko na kahit sa panaginip lang... nayayakap kita. Sana nararamdaman mo pa rin na mahal kita. Kahit na magkalayo tayo sana hindi magbago yun. Kahit pa hindi tayo nagkakausap. Aasahan ko rin yung pangako mo.
Mahal na mahal po kita.
Love,
El