Pages

Monday, August 15, 2011

Month 1 Day 3

Dearest Em,
Kamusta ka na? Okay ka lang ba ngayon? Sana naman hindi ka nahihirapan dyan. Ako eto natatakot na naman. Lumalala na naman yung sakit ko eh. Pero wala akong masabihan. Ikaw lang naman nakakakilala sa karuwagan ko. Sa'yo lang ako nakakapag-open ng mga problema at alalahanin ko. Sana nakakausap man lang kita para hindi ako nalulungkot ng ganito. Sana may telepathic ability ako para kahit nasa malayo ka pwede kita makausap. Ayos yun di ba, tipid pa sa load. Pwede kitang makausap 24/7 kahit magkalayo tayo at kahit wala tayong cellphone. Sobrang miss na talaga kita hindi lang dahil ikaw lang ang nasasabihan ko ng mga problema ko, miss kita kasi miss na talaga kita eh. :(
Nga pala.. ngayon ko lang naalala nitong nag-1 month ka ng wala sa piling ko, yun din yung petsa ng unang date nating dalawa. Nakakatuwa isipin na ang petsa na yun ay isa sa mga masasayang alala nating magkasama pero sumapit ang araw na yun ng may dalang kalungkutan dahil matagal ka ng wala.
Hayss.. tadhana nga naman. Alam ko magkikita pa tayo. Magkakasama at magkakausap muli. Hintayin mo ko ha? Alisin mo na muna yang pagkamainipin mo.
Iloveyousomuch. :*
Love,
El

No comments:

Post a Comment