Pages

Friday, July 22, 2011

Day 10

Dearest Em,
Mahal ko.. :( Naiiyak ako sa sobrang pagkamiss sa'yo. Madame na naman akong nararamdaman sa katawan ko. Napakasakitin ko 'ata talaga. Lalo kitang naaalala pag may nararamdaman akong masama. Ikaw ang nag-aalaga sa 'ken hanggang gumaling ako. Lagi mo pang sinasabi na, "sana sa'ken na lang mapunta yang sakit mo, para hindi ka nasasaktan". Lahat ng pagpapaalala sinasabi mo para hindi na lumala yung sakit ko. Masyado kasi akong madaling maparanoid. At isa pa, alam mong mahina ako pag nasasaktan ako. Kaunting sugat lang, kaunting kirot at sakit lang.. umiiyak na ako sa'yo. Napag-aalala tuloy kita lalo. Sana kahit matagal tayong hindi magkakasama, at kahit na lumipas ang matagal na panahon. Wag ka sanang magsawang alagaan ako.
I love you mahal.
Love,
El

No comments:

Post a Comment