Dearest Em,
Arrrghh!.. Sori po I wasn't able to write yesterday. Kelangan ko kasi matulog ng maaga para sa church kinabukasan eh. Tsaka sobrang sama ng pakiramdam ko. :(
Actually hanggang ngayon masama pa rin. At masakit pa rin ang katawan ko. Wag ka po mag-alala wala akong ginagawang kababalaghan. =.=
Dahil na naman siguro to sa pabago bago ng weather. Mahina pa naman ako sa ganun. Kala ko kagabi magkakatrangkaso na ako. Pero buti na lang po sa awa ng Diyos eh hindi naman natuloy. Uminom din ako agad ng gamot dahil sigurado ko yun ang una mong ipapagawa sa ken.
Naalala ko yung unang beses akong nagkasaket na kasama kita. Nung simula okay naman ako tas bigla na lang ako nilagnat. Grabe yung pag-aalala mo nun. Pati ang pag-aalaga mo. Para kong baby :">
Pinahiram mo pa saken nun yung fave shirt na dala dala mo. Yung black & gray na stripe tshirt mo. Sayang nga lang nawala mo yun. Gusto ko pa naman sana itago.
Bumili na rin ako ng gamot ko. Anlayo pa ng nilakad ko para lang makarating ng botika. Kahet masama na pakiramdam ko bumili ako para mawala ang sakit ng katawan ko.
Tapos na po ako uminom ulet. Kaya wag ka na mag-alala. Gagaling na po ako ^-^
Iloveyou po. Sana maalagaan natin ulet ang isa't isa.
Love,
El
No comments:
Post a Comment