Pages

Wednesday, July 20, 2011

Day 7

Dearest Em,
I miss you sooooooooooo much! I wasn't able to write in here a few days ago because we don't have internet due to our ISP's maintenance.
Btw, nag-apply ako kahapon together with a friend, si Melody. I guess you still remember her. I introduced them to you nung bago pa lang tayo. lol. that was 2 yrs ago na pala. haha. XD
Ehem! back to my story.. so ayun nga nag-apply kami sa isang bagong bukas na company na di naman masyadong kalayuan sa aming lugar.Wala kaming kaalam alam about dun sa company or kung anong work ung iooffer dun pero nagbakasali kami kasi bago nga lang so malamang ung mga unang papasok dun eh may chance na maging regular. And so we went there umagang umaga pa lang. Kahit na tanghali na ang gising ko eh pinilit kong magising ng maaga dahil ayoko na talagang maging tambay. Desidido na ko magtrabaho ulet after kong maging unemployed for 8 months.*clap!clap!* Habang papunta dun eh natrapik pa kami. Oo. Natrapik. Kahet na hindi kami taga-Maynila o kahet na maliit lang ang aming bayan eh natatrapik pa rin kami. Nagkalat kasi ung mga traffic enforcer na nagmamarunong lang sa pag-aayos ng trapik. Ayun lalo lang nilang ginulo. Pero sa awa ng Diyos nakarating naman kami sa pupuntahan namin after 30 mins. Kahet na 10-15 mins lang dapat ang byahe. Sa totoo lang lumagpas pa kami ng kaunti kasi nga hindi namin alam ang exact location nung company. At yun sa sandali naming paglalakad ay nakarating din kami. Malakas ang pakiramdam naming yun ang company na dapat naming puntahan dahil maraming nakapila sa labas. May kaunti nga lang kaming problema. Nagsama pa kaming 2 mag-apply eh parehas kaming nuknukan ng pagkamahiyain. Buti na lang mabait yung ibang nakaabang dun sa gate. Ayun nagtanong kami kung tama nga ang napuntahan namin at kung anong klaseng work ang naghihintay sa amin.Good news & Bad news. Good - tama nga kami ng napuntahan. Hindi nasayang ang effort namin at pagbuno sa trapik para makapag-apply. At hiring pa sila dahil marami pa silang kailangang trabahador. But here's the Bad part - ang hinahanap nila ay mga food handler at skewer. Hindi namin agad naintindihan kaya tinanong pa namin kay ateng naghihintay din sa gate. Ang sabi nya, unang-una, hindi na pala sila applicant. Tanggap na sila at magistart na sila nang araw ding yun. Hinihintay lang nila yung isang staff ng company. At sa ilang sandali ay nalaman na namin ang masaklap naming kapalaran. Sinabi ni ate na ang trabaho doon ay pagtutuhog. Tama ka ng nabasa. Pagtutuhog........ ng stick sa karne ng manok. Pero hindi ka lang magtutuhog. Ikaw din ang maghihiwa sa karneng itutuhog mo. Para kong binagsakan ng langit. Alam mo naman na wala akong alam sa ganung bagay. Ni hindi nga ako nagluluto sa bahay namin. Sa madaling salita hindi rin ako marunong maghiwa ng tama. Habang sinasabi yun ni ate.. nag-isip kami kung itutuloy pa ba namin. Nabanggit din nya na dire-diretso naman ang process ng pag-aapply. Pagkatapos kang iinterbyu ay training na kaagad. May bayad naman daw agad ung training. Medyo nabuhayan kami ng loob dun. Baka naman madali lang ang trabaho at maganda rin ang pasahod. Ngunit sa kasamaang palad, nanlumo kami ng sinabi ni ate na pakyawan ang trabaho. Per piraso ang bayad. Kung ilan ang gawa mo yun  lang ang kikitain mo. Sa bobo kong ito sa paghihiwa may pag-asa ba kong kumita ng malaki? Wala. Kaya napagpasyahan naming umuwi na lang at maghanap ng ibang papasukan. Naglakad kami sa kalapit na mga company at nagtanong kung hiring pa sila, kaso hindi na raw. Tumingin kami sa bulletin board kung san may nakapaskil na mga job listing pati nga mga nakadikit na poster sa poste tinignan na rin namin. Pero wala kaming swerte. Kung hindi college graduate ang hanap nila ay puro naman matanda. Sumakay na kami ng jeep pauwi dahil tumataas na ang araw lalo na ang init sa paligid. Habng nagbibiyahe napagkasunduan namin na maghanap ng ibang maapplyan sa lugar namen. Sayang kasi ang porma at pinamasahe namin kung uuwi lang kami agad sa bahay. Bumaba kami sa may Divimall. May agency kasi malapit dun. Nung nandun na kami may nagabot sa amin ng papel. Hindi yon pera. Papel ng isang  agency na matatagpuan lang din sa kalapitan.  Maganda yung mga nakalagay so naisip naming pumunta. Dumaan muna kami sa Jollibee at Chowking baka kasi may hiring din. As usual wala rin. Tumawid na kami ng kalsada dahil nandun ang agency na hinahanap namin. Pero bago makarating dun nadaanan namin ung bagong bukas na fastfood na ang name ay ChickBoy. Baka kulang pa sila ng staff kaya nagtanong kami kay manong guard kung natanggap pa sila ng applicant. Sabi nya sayang daw kasi katatapos lang ng hiring. Nung tinanong namen kung kelan natapos mga isang buwan na raw ang nakakalipas. Ang saya di ba? Galing ni kuya sumagot. Try na lang daw namin ulet sa susunod kasi ang hinahanap lang nila ngayon ay delivery guy. Nagmagandang loob naman si kuya sabi nya subukan daw namin dun sa isa pang bagong bukas na shop. Medyo malayo pa yun kaya next time na lang siguro. Dumiretso na kami sa agency. Pagdating dun. Natulala kami. Hindi dahil may maganda o nakakatakot kaming bagay na nakita. Natulala lang kami dahil hindi namin makita ung hagdan paakyat dun sa agency na nasa 2nd floor. Mukang wala naman kasing daan sa likod at puro tindahan naman ung nasa harap. So anu yun? agency ng superheroes? kelangan marunong ka lumipad o kaya mag-ala spiderman para lang makapunta ka sa agency nila. At dahil dun sumuko na kami at naglakad na lang pauwi para mapag-usapan namin ung sunod naming pag-aapply.
Yung agency na yun natatandaan ko napuntahan na rin nating 2. Nung sinamahan mo ko mag-apply dahil sabi ng kapitbahay namin eh applyan dun sa isang company pero sa kamalasan ay hindi naman pala. Kaya habang naghahanap ng iba ay napadpad din tayo dun at sa parehong dahilan kung bakit hindi rin tayo natuloy dun.
Sorry napahaba yung kwento ko sayo. Gusto ko lang malaman mo lahat ng detalye gaya ng lagi mong sinasabi saken.Tsaka hindi pa ko nakapagkwento these past days. Sana ok ka lang dyan. Miss na miss pa rin kita. Hindi magbabago yun.
I Love You Po.
Love,
El

No comments:

Post a Comment