Pages

Wednesday, July 20, 2011

Day 8

Dearest Em,
Uhmmm.. :( I miss you. Sorry po para na kong sirang plaka paulet-ulet na ko ng sinasabi. Pero yun talaga nararamdaman ko ee. Namimiss talaga kita ng sobra. I'm not looking for things para lang masabi kong naaalala kita. Dahil kahit saan ako tumingin at magpunta there's always something that reminds me of you. Tulad kahapon.. Natulog ako kina tita. Alam ko magagalit ka na naman at itatanong mo bakit kelangan ko pa matulog dun eh may sarili naman akong kwarto sa bahay namin. Nagpasama kasi si Tita dahil sya lang mag-isa sa bahay nila. Si Tito kasi wala pa dahil nagtatrabaho at madaling araw na ang uwi. Wag ka po mag-alala di ako nagpuyat. Ikaw lang ang dahilan ko para magpuyat. Hindi lang ako agad umuwi sa'men kinaumagahan. Nahiya naman ako kina tita at tito. Habang nandun ako nanood ako ng mga movies na dinownload ng pinsan ko. I happen to cross a familiar movie. I remember its the 3rd movie na pinanood natin. It was on our 2nd date and nanood na tayo nun ng Final Destination pero bitin yung panonood kaya nanood pa tayo ulet.  Nakita ko sa list ng movies dun sa files ng pinsan ko yung Year One. Kahit na alam kong lalo kitang mamimiss eh pinanood ko pa rin. Kasi nung pinanood natin to ang dami nating tawa. Eto yung first comedy movie na pinanood natin. Tsaka mas madali ko to naalala dahil nung mga panahon na yun bihira pa tayo magkita at magkasama dahil nga malayo ang lugar na pinanggagalingan natin. Distance did not really matter pag nagmamahal 'no? Kaya kahit malayo ka sa kin ngayon. Hindi pa rin magbabago ung pagmamahal ko sayo.
Iloveyousomuch. :">
Love,
El

Eto pala image from the movie Year one ^^
from left to right
Michael Cera (Oh),Jack Black (Zed) & David Cross(Cain)

No comments:

Post a Comment