Pages

Saturday, July 30, 2011

Stupidity!!!

WARNING! RANT AHEAD!
Bwiseeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet!! As in capital B!! Hindi ko matanggap yung katangahan ko. Bakit ba kung kelan kelangan tsaka ko binabalewala ang instincts ko?!? >.<
Grrrrrrrrrrrrr~!! :|
Stupid! Stupid! Stupid!!!

Conscience: Ang stupid mo El!!! Masyado ka kasing busy sa paglalaro mo ng Golden Sun 2. Ayan tuloy nanakawan na kayo! Laro pa.. Dyan ka magaling! Narinig mo ng kumalampag ang lalagyan ng pera at may mga tumilapong barya hindi ka pa nakaisip silipin kung sino nandun.

El: Eeeeee... kasi naman akala ko yung kapatid ko lang. Madalas kasi dumukot ng pera yun sa lalagyan lalo na pag wala sina mama at papa. O kaya naman yung tyuhin ko baka kumuha ng barya dahil may kelangan bilhin sa pagluluto tas di sinasadya nahulog yung lalagyan. :(

Conscience: See? Look how stupid you are. 

El: Pupuntahan ko naman sana ee. Kaso nagdalawang isip ako dahil nga akala ko sila lang.

Conscience: Maraming namamatay sa maling akala!

El: Sige nga give me one..

Conscience: Si... ano.. uhmm... basta! Ang importante dito nagpakaTANGA ka!

El: Eh di ikaw rin konsensya kita ee.

Conscience: May katawan ako? May katawan?.. Loko tong tangang to.

El: Ikaw pa nga dapat sisihin ko ee.

Conscience: At bakeeeeeeeeeeeeeet?! Abeeeeer..

El: Dahil konsensya kita.. Dapat kanina nung narinig ko yun kinonsensya mo na ko! Eh di sana tinignan ko.. Nahuli ko pa sana yung magnanakaw.

Conscience: Kung anong tanga mo syang galing mo magpalusot. Palakpakan!~ Bahala ka na nga sa buhay mo.

El: Tapos na yun ee. Hindi ko na mababalik. Pero yaan mo aabangan ko ung nagnakaw na yun. :)

to be continued..

Note:
Ganyan ko talaga kausapin ang sarili ko. Wag ka na umangal nakikichismis ka na nga lang ee..

No comments:

Post a Comment