Dearest Em,
Masaya po ako :) Hulaan mo kung baket? haha.. Sigurado suko ka na agad bago ka pa manghula. XD
Eeeeeeeeeeeeee! hiya ako. hahaha :))
Napanaginipan kasi kita. Yung una.. nung nakaraan pa.. napanaginipan kita kaso inaaway daw kita. Kulet talaga hanggang sa panaginip hilig kita awayin. Nung isang gabi naman.. napanaginipan ulet kita. Kaso hindi na kita inaaway. Weird nga lang. Lagi naman talaga weird panaginip ko nagtaka pa ko?! Hindi weird dahil ikaw yung kasama ko sa dream ko kahit na bihira mangyari yun. Dahil kung anung anik anek namang weird ang napapanaginipan ko. Of course hindi ko maalala lahat ng nangyare. Mahaba lagi mga panaginip ko at bihirang bihira ko matandaan lahat ng nangyare. Sa case na 'to yung mga tungkol sa'ten lang na mga kaweirdohan ang naalala ko.
Ang naalala ko lang.. kasama kita. Parang may pinuntahan tayong dalawa, parang date, and we're both happy naman. Kaso, as usual tulad irl *in real life ~ para sa mga hindi nakakaalam* nagmamadali na naman akong umalis. May kelangan na naman akong puntahan kaya kelangan ko ng sumibat sa lakad naten. And the usual you, even in my dream, gusto akong ihatid kung san man yung pupuntahan ko. Irl.. sumasakay lang tayo sa jeep o kea naman tricycle mahirap lang tayo ee. :P Minsan naman van or bus depende kung san tayo nagpunta. Pero sa panaginip na 'to.. nabigla talaga ako. Hinatid mo ko gamit ang isang bago at magarang itim na kotse!! XD Nabigla din ang sarili ko sa panaginip. Pero keri lang kasi nagmamadali nga daw ako. Pinatakbo mo ng mabilis yung sasakyan pero hindi naman sobrang bilis para tumilapon ang nakasakay. Kaya ayun nakarating ako agad sa dapat kong puntahan dahil sa paghatid mo gamit ang bonggang bongga mong new black car.
Malayo sa katotohanan kung yung kotse yung pagbabasehan. Pero sa mga kinilos naten wala namang nag-iba. Ikaw pa rin yung sweet at makesong tao na mahilig maghatid sundo sa 'ken.
Lalo tuloy kitang namimiss. Hayst...... =.=
I love you po. *mwuah*
Love,
El
No comments:
Post a Comment