Pages

Saturday, August 6, 2011

Day 25

Dearest Em,
Hi mahal! *mwuaps*
Alam mo na yun. Alin? Na miss na miss na kita. :"> Ngayon eto ako kinakausap ka. Nagkikwento sa'yo ng mga bagay bagay na nangyayari sa kin. Mga bagay na nararamdaman ko. Pero iba pa rin pag totoong kausap talaga kita. Kahit sa text lang kita nakakausap madalas noon dahil magkalayo tayo masaya na ko. Mas masaya naman kung tumatawag ka. Pero pinakamasaya sa lahat eh pag nakakausap kita ng personal. Kasama kita. Kaakap o magkahawak kamay nating pinag-uusapan ang lahat ng bagay sa mundo. Kaya ngayon sobrang nanghihinayang ako. Sana pala nilubos ko yung mga panahon na yun. Nasanay akong lagi kang nandyan para sa kin. Hindi man ako sobrang dependent sa'yo pero gaya ng gusto mo.. gusto ko rin maramdaman lagi ang presence mo. Nitong mga huling usap natin lagi ka nagrerequest sa kin na magkwento ako. Hindi ako masyado nagkwento 'coz i was hoping na magiging maayos din naman agad lahat eh. Sising sisi ako na hindi ko ginawa yun. At ngayon sobrang nalulungkot ako dahil kahit na ano pa ang gawin ko. Hindi kitaa makakasama agad kaya walang personal na communication. Hindi ka na rin tatawag at lalong wala na kong aasahang text mula sa'yo. Ang sakit pala. Na kahit gustong gusto kita makausap wala akong magawa kundi ang magtiis at maghintay. Pag nakausap na ulit kita pangako magkikwento ako ng marami sa'yo. Sana lang hindi ako umiyak ng husto para makapagkwento ako. Alam mo naman na napakaiyakin nitong baby mo eh. Ehe. Sana makapagkwentuhan ulit tayo gaya ng dati. Walang inaalala at puro saya lang. Magkahawak kamay na pagpaplanuhan ang buhay nating magkasama balang araw...
Mahal na mahal kita.
Love,
El

No comments:

Post a Comment