Dearest Em,
Sorry po ilang araw na naman ang lumipas na hindi ako nakasulat sa'yo. Dami kasing problema sa bahay eh. Pero okay naman na po ngayon kahit papaano. Medyo mabigat lang ang pakiramdam ko ngayon. Nagkacramps na naman kasi ako. :( Bloated pa pakiramdam ko. Hayst. Sana ikaw okay ka lang ngayon.
Hmmm. Kanina pala pumunta kami ng SM. Nagbayad lang kami ng para sa internet. Tas namasyal ng kaunti kasi kasama namin si Ryne. Habang palakad lakad kami dun naalala ko yung mga panahong namamasyal tayo dun. Yung panonood natin ng sine at pagkain natin ng Jollibee dun sa 3rd floor. Yung paglalaro natin sa Quantum ng basketball. Pataasan pa tayo lagi ng score at madalas kitang natatalo hahaha. Yung pagtingin natin sa mga shops ng damit o kahit anong gamit na cute. Ikaw ang pipili para sa kin at ako naman ang pipili para sa'yo. Kahit mga simpleng bagay lang yun na ginagawa naman ng mga magkarelasyon, masaya ko na ginagawa natin yun. Higit sa lahat dahil ikaw ang kasama ko sa mga oras na yun.
Gawin natin ulit sa susunod ha? Aasahan ko yun. Wag ka mag-alala treat ko naman. :)
Iloveyou!
Love,
El
No comments:
Post a Comment