Dearest Em,
Its been two months already. Pero wala pa rin akong nagagawang paraan para makita ka. Sa totoo lang. Hindi ko na alam gagawin ko pag dumating yung time na yun.
Natatakot ako. Baket? Hindi ko rin alam. Maraming gumugulo sa utak ko nitong nakaraan kaya hindi ko na rin muna ginusto magsulat dito. Baka kasi kung ano na naman ang masabi ko pag di ko napigilan ang sarili ko. Ayoko na masaktan ulit kita. Marami akong narealize about sa'yo, sa akin pati na rin "sa atin." Naka 2 taon tayo sa relasyon natin pero talaga bang kilala natin ang isa't isa? O nagpanggap lang tayo na alam na nga natin. Maraming beses na tayong nag-usap ng masinsinan. Mula sa mga nakaraang buhay natin, sa kasalukuyan at sa hinaharap na gusto nating buohin. Pero napansin ko, maraming bagay na hindi natin alam tungkol sa isa't isa. Mababaw pa ang pagkakakilala nating dalawa at marahil isa yun sa dahilan kung bakit hindi naging maganda ang takbo ng relasyon naten. Bumuo tayo ng imahe sa mga sarili natin kung ano ang gusto nating maging para sa isa't isa. Pareho tayong naging selfish at pareho din tayong nagpadalus-dalos sa mga gawa natin. Sa totoo lang, hindi ako yung ideal type mo as girlfriend at ganun din naman ako sa'yo. Pero masasabi ko na kaya tayo nagkakilala ay para malaman natin kung sino nga ba talaga tayo. Most of the time nagiging immature ako lalo na pag kasama kita. Yun kasi yung side ko na carefree at willing gawin ang lahat para sa taong mahal ko. Dahil ang kabaligtaran nun ay ang seryosong ako. Hirap makipagcommunicate at mag-express ng nararamdaman. Both of us are still growing up as responsible adults. Pero pareho tayong sadyang stubborn kaya hindi tayo magtugma pagdating sa mga seryosong bagay.
May mga dahilan din na parehong nagbubuklod at sumisira sa ten. Isa na dun ang mga family natin. Kahit na sinasabi mong okay lang sa pamilya mo na girlfriend mo ko ramdam ko na hindi nila ako lubos na tanggap mula pa nung una. Kaya siguro pinilit ka nilang mapunta sa ibang babae. At dahil takot akong makilala sila hindi ko sila binigyan ng chance kilalanin ako at di ko rin binigyan ng chance ang sarili kong makilala ka ng lubos sa hindi ko pagkilala sa kanila. Alam ko masakit din sa'yo na hindi ka tanggap ng pamilya ko. Mahihirapan ka tanggapin sila dahil marami na silang nabanggit na masasakit na salita at naiintindihan ko yun. Pero ngayon kahit na malayo ka at kahit na magulo ang sitwasyon ng mga pamilya natin.. Pamilya ang nagbuklod at naghihiwalay sa ting dalawa. Kahit na alam kong maraming kasalanan sa'yo ang pamilya mo lagi mo napapatunayan sa kin na napakahalaga nila sa'yo. Sana maintindihan mo rin na mahalaga din ang pamilya ko sa ken. Dahil sa pagpapahalagang yun lumalim ang respeto ko sayo dahil alam ko pagdating ng oras na isa na tayong pamilya.. Ipaglalaban mo rin ako. At kahit na pinaghihiwalay pa nila tayo sana wag kang sumuko. Di ko kaya lumaban ng mag-isa. Magkalayo tayo pero sana magkadikit pa rin ang puso nating dalawa.
Miss kita at Mahal pa rin kita. Susubukan kong intindihin ka pa.
Sana ganun ka din sa kin.
Love,
El
No comments:
Post a Comment