Pages

Thursday, July 28, 2011

Day 14

Dearest Em,
Ngayon lang po ako nakapagsulat bumabagal kasi yung net namin kahapon pa. Ilang reload na nagawa ko pero laging nagiging unavailable yung page.
Wala po kami praktis kanina kaya dire-diretso naging pahinga ko. Okay naman na ako maliban sa kaunting sipon dahil sa lamig ng panahon.
Panahon na naman ng bagyo. Okay ka lang ba dyan? Baka nilalamig ka. Pwede umakap? :">
Sa totoo lang nag-aalala ko sa'yo kasi nga bumabagyo na naman. Naalala ko pa nung mga unang months natin.. bumagyo nun.. si Ondoy pa nga ata yun. Bahain kasi dyan sa inyo natatakot ako baka maulit na naman yung ganung bagyo. I always pray for you & Meoj's safety.
Sana makasama ko kayo ulet. Pasyal tayo sa Luneta. Hahaha. Kahet ayaw mo dun.
Miss you. I love you.
Love,
El

No comments:

Post a Comment